Ipinagkait ng Temple Garden Homes ang pagbabayad para sa overtime sa 70 empleyado sa 4 na lokasyon
Employer: T.G.H. Management Group Inc., na ipinapatakbo bilang Temple Garden Homes
5120 Baldwin Ave.
Temple City, CA 91780
Mga napag-alaman ng imbestigasyon: Napag-alaman ng imbestigasyon ng Dibisyon ng Sahod at Oras ng Departamento ng Paggawa ng U.S. na ang employer sa pangangalagang pantahanan, na nagpapatakbo ng apat na lokasyon ng Temple Garden Homes para sa mga taong may mga kapansanan sa pag-unlad, ay muling hindi nagbayad ng kinakailangang pagbabayad para sa overtime sa 70 empleyado para sa lahat ng oras na higit sa 40 oras sa isang linggo ng trabaho, na lumalabag sa Batas sa Pantay na Pamantayan sa Paggawa. Napag-alaman din ng dibisyon na hindi nagpanatili ang employer ng mga tumpak na rekord ayon sa kinakailangan.
Na-recover na Sahod, Bayad-pinsala: $72,837 na halaga ng hindi ibinayad na sahod sa 70 manggagawa
$72,837 na halaga ng liquidated na bayad-pinsala sa 70 manggagawa
$21,840 na halaga ng sibil na multang salapi para sa kusang-loob at umuulit na paglabag
Sipi: “Sa ikatlong pagkakataon, kusang-loob na nilabag ng Temple Garden Homes ang mga karapatan bilang manggagawa at tiwala ng mga empleyado na pinapangalagaan ang mga pinakabulnerableng tao ng ating mga komunidad,” sabi ng Kahaliling Pandistritong Direktor ng Dibisyon ng Sahod at Oras na si Skarleth Kozlo sa West Covina, California. “Poprotektahan ng Departamento ng Paggawa ng U.S. ang mga manggagawa laban sa mga paulit-ulit na lumalabag at masasamang employer tulad nito.”
Konteksto: Napag-alaman ng dalawang nakaraang imbestigasyon ng Sahod at Oras na nakagawa ang employer ng mga katulad na paglabag sa pagbabayad para sa overtime. Dahil sa mga imbestigasyong ito, naka-recover ang dibisyon ng kabuuang $102,694 na halaga ng mga hindi ibinayad na sahod para sa 50 empleyado, at nagpataw ng $9,500 na halaga ng multa laban sa Template Garden Homes.
Magagamit ng mga manggagawa ang search tool na Mga Manggagawang Dapat Bayaran ng Sahod (Workers Owed Wages) ng dibisyon para malaman kung dapat silang bayaran ng mga hindi ibinayad na sahod na nakolekta ng dibisyon. Puwedeng makipag-ugnayan ang mga employer at manggagawa sa Dibisyon ng Sahod at Oras para sa tulong sa toll-free na numero nito na 1-866-4-US-WAGE. Makakatulong ang parehong mga manggagawa at employer na matiyak na tumpak ang oras na nagtrabaho at kabayaran sa pamamagitan ng pag-download ng Android at iOS Timesheet App ng departamento nang libre sa wikang Ingles o Espanyol.
This news brief is also available in English.